we married to americans II
Disclaimer: observation ko lang... wala ulit personalan. kung may tamaan di ko na kasalanan.
Nagulat ako sa dami ng nagkalat na foreign nationals sa Bangkok pero bakit hindi sa Philippines. Simple lang ang observation ko: hindi nag-ta-take advantage ang mga Thai. Ay nako nu'ng bumisita si paps sa PI ubos ang pera! from tricycle driver hanggang sa ... wag na... baka maka-hurt ako. aba gusto ba naman doble bayad.
Warning sa mga pupunta ng Pagsanjan: wag na kayo pumunta. Rip Off is the name of the game. Aba, sa kalagitnaan ng Pagsanjan River i-force ba naman kaming bumili ng coke in can ng mga bangkero para sa kanila! Shame. Hindi pa natapos do'n ha. Pagbalik namin pinabili ulit kami! 50 pesos each. PERO DI NILA ININOM. SCAM. Ibebenta nila ulit. At bukod don tig 1,500 each pa daw sila bukod sa bayad namin sa "main office" nila kuno. scam scam scam. kahit sa'n kami magpunta rip off. sa tagaytay ang gusto 700 pesos bawat kabayo. hindi po kabayo pinunta namin don... tanawin. kaya simula no'ng after pagsanjan eh nag stay na lang kami sa bahay namin or waltermart. at si paps ayaw na talaga bumalik sa PI.
Haaay... ang hirap noh?! tapos yung iba talaga kilala mo na ang kapal muks mag take advantage...harap-harapan. mas gugustuhin ko pang humingi na lang sya sana ng diretso kay randy. the end. last comment ko na yan. mag react ng nega guilty.

LOL, wag ka mag-alala di ka naman nag iisa. One time nagpunta kami ng palengke, as in wet market. Kase gusto ko makita ni hubby ang mga pugot na pig heads at laman-loob na nakalambitin, at the same time bili kami ng manok for dinner. di ko sure magkano manok that time pero ang alam ko naging doble binayaran namin. After nun di na kami balik dun. Naulit ulit siya sa ibang palengke naman. Akala ko yung area lang na yun. Kaya grocery na lang ako napunta saka sa wholesale stores. Kainis di ba? Katwiran ng iba dollar naman kasi ang suweldo nila. Ang sabi ko naman, hindi yun ang point, baket kala ba nila sa amerika walang naghihirap? O di va lumabas ang highblood. wehehe. tama na nga yan.
Posted by: -Lee- | October 19, 2006 05:17 PM
i second that motion. alam mo ba na ganon din nung bumalik ang aking asawa sa pinas for our engagment/kasal-kasalan kuno! aba eh ine-expect nila na doble-doble ang price ng cottage na inupahan namin umabot ng $3,000 nagastos ng asawa ko food/place (3 days/2nights). tapos imbes na kami ang maka-receive ng regalo sila pa nanghihingi ng chocolates and dollars, eto pa pambili ng yosi at alak!!!!! grrrr!!!!! #$%^&*!@ hay naku sorry pero kaka-gigil talaga!!!!!
so iniisip ko palang uuwi tayo dun mga mare, naku siguraduhin nyo na marami kayong uwing pera at pasalubong dahil kung di napasalubungan/nabigyan ng kakapiranggot na chocolate/$$$$!!!! eh sasabihin nag-iba ka na, kesyo mataas ng ere mo porke nasa US ka na.....ay naku kung alam lang nila kung gano kahirap din maghanap ng $$$$$ dito!!!! okay lang sana kung may erfleyn ka eh di marami kang pera at alam mo lahat kaya malaki sweldo mo di ba?!!!!!
answer me!!!!!
HAHAAHAHAHAHA!!!!
Posted by: Mary Joy | October 19, 2006 06:52 PM
pero in fairness, VIP tayo pag kasama natin mga asawa nating AMERICAN. BAKIT? kase DOLLAR$$$$$$$!!!!
Posted by: Mary Joy | October 19, 2006 06:54 PM
mga kumare ko sa mahjongg... hehe... sorry di ko 'lam spelling kase di ako naglalaro non..lol. si paps dinala ko rin sa palengke mareng lee di nakayanan yung mga nakasabit na ulo ng mga baka hahaha! kaya di na kami tumuloy. grabe noh... sobra mag take advantage. kaya di umaasenso pinas kase puro kurakot. kaya pati pangkaraniwang tao kurakot na rin ang biktima mga foreign nationals.
majoy, matindi sinapit ni paps dave. si paps randy hindi nag hotel gusto nya malapit sa bahay namin kaya sa riverview kami. reasonable yung price kahit di maganda rooms eh okay na rin. sa mga tourists spots kami inapi. hiyang-hiya talaga ko kay paps! ahh pag dating sa mga friends at kamag-anak eh sinwerte naman ako kase walang nanghihingi sa kin... :-) may mga breeding... hahaha!!! yung iba matapang... matapang mangutang na kung pede daw lista na lang sa tubig eh hindi pa ko nakakaalis... hahaha! ika nga ng daddy ko eh kung mga makahingi may mga patagong pera! hahaha! yan po parati sinasabi sa min ng daddy ko pag nanghihingi kami ng pera no'ng mga napasok pa kame...lol
oo nga eh di ba? kung may erfleyn mga paps natin madali tayong kausap. kung alam lang nila parang mga langgam ang mga white. nagsa-save sila for rainy days. hindi sila yung pagka sweldo ubos-ubos biyaya kase dito bawal magkasakit.
Posted by: KaRoL | October 20, 2006 10:54 AM
isa lang ang punchline parati ng daddy ko sa mga ganyan... kung mga makahingi akala mo may mga patagong pera... hahaha!
Posted by: KaRoL | October 20, 2006 10:56 AM
Mareng K, maganda itong blog topic mo. Actually matagal ko na rin gustong magsulat ng entry na similar to this sa blog ko kaso lang baka meron akong ma-offend! Mwehehe!
Nakaka-high blood nga naman 'yang maling expectations nila na porke't kano ang asawa mo, marami na kaagad pera. Buti na lang sa davao, di pa gaano kalala 'yang overpricing na 'yan... pero sa Manila, hay naku! Wala akong ma-say.
One example na lang ha. Taxi from Cherry Blossoms Hotel to airport, P1,500 hiningi sa amin ng driver! Kaloka, eh ang lapit-lapit lang nu'n! Ay, 250 lang talaga binayad ko, bahala na magalit sya! Bad girl kasi ako eh.
Teka... umiiyak si Eowyn. Next time ulit!
Posted by: May | October 20, 2006 12:06 PM
Mareng Menggay gusto ko ma-knows experience mong kaloka. grabe talaga noh pakapalan na talaga ng mukha ang laban... LoL. Nahiya talaga ko kay paps lalo na no'ng magkwentuhan sila ng bestfriend nya na si Donnie about do'n sa experience nya sa PI. Kahiya talaga. Kaya pala itong si pareng Donnie eh never na talaga babalik sa PI. As in walang kabalak-balak. Super ultra nega ang comment nya. Masakit yon ha kase kahit pano eh pinoy pa rin ako pero totoo naman talaga yung sinabi nya. Naku mare hindi ka lang bad girl. ALEMBONG ka pa! hahaha!
Posted by: KaRoL | October 20, 2006 01:18 PM
Mga Mars, maraming foreigners na may bad experience sa pinas especially pag hindi lang sila once nakarating dito. Kahit mga boss ko (i used to work for a german/british owned co.) laging wary when conducting business with pinoys. Alam nyo na, yung corruption sa pinas hindi lang pulitika. Kahit sa bidding ng bagong bubong! (haba story saka ko na wento) lol! Hindi mo tuloy malaman kung saan nagstem yung attitude na yan. SIguro dahil most people from 3rd world countries dala ng culture paniwala is lahat ng foreigner mapera. Tapos yung attitude na "kung wala akong pera dapat sila din!" di ba??
Hindi nila malalaman at maiintindihan hanggat di nila nakikita first hand na pareho lang kahit saang panig ng mundo ang buhay. Ang diprensiya lang is yung gobyerno at yung attitude ng mga tao. Buhay nga naman. parang life!
Posted by: -Lee- | October 21, 2006 03:09 PM
oo mars tama ka. nakakahiya 'no? kaya di umaasenso Pinas eh. Pag ako naging presindente tatanggalin ko na mga senador hanggang kapitan. lol. lahat kurakot. lahat ng mga tumatakbo gusto subain lahat ng pera ng taong bayan. maniniwala ka ba sa mga pangako na gusto nilang umunlad buhay ng mga pinoy? sino binilog nila tayo????! nek nek nila. di na ko naniniwala sa mga pulitiko. lahat mga full of s**t. di naman ako galit. praktis lang... hahaha!
Posted by: KaRoL | October 24, 2006 11:01 AM
Hi Good day sa lahat ng mga nag comment! Grabe sobrang nakarelate ako dito.. ako din gusto ko magblog about sa mga nagtatake advantage pag may kasama na kano kaso nga madami ako maooffend baka isipin ang yabang ko. Fiance ko din kasi e american 3x na siya bumabalik dito at gaya din ng story niyo rip off din kami from taxi, kamag anak at mga palengke... Lahat sa amin tingin sa akin lagi madami pera, lahat sila gusto magpalibre sa akin, lahat lagi nanghihingi ng kung anu ano yung iba pa nga e magpaparinig na kesyo la na daw sila pera. Nahihighblood talaga ako at ako ang nahihiya para sa kanila. Nagstop ako magwork kasi inoperahan ako sa heart, then may mga communications pa naman kami ng mga "friends" ko sa office lagi hirit nila sa akin "libre ka naman dyan!" KAINIS Hello la nga ako work eh!! sila pa magpapalibre hay grabe tapos yung ibang mga tao kung makatingin sa akin mula ulo hanggang paa!!! grabe talaga... Sabi ko nga sa fiance ko minsan parang ayoko sabihin na may fiance ako na foreigner para maiwasan ang mga makakapal ang mukha.
Ano kaya magandang gawin sa mga taong ganon?
Posted by: Melissa | March 31, 2008 07:05 AM