« we married to americans II | Main | Foster's Well-Baby Check Up »

Trip Ko 'To... Its Grilling Time!

Trip ko 'to kaya walang aangal sa mga kapatid ko. its grilling time!

Ang Daddy Ko -si Lolo Perry Berangong-Berango kase comedyante. Puro original ang punchline. Sa Bureau of C po yan nagtatrabaho pero di kami rich. Pag nagluluto sya ng special lunch every Sunday parati nya sinasabi namatay na daw pinakamagandang lalaki sa Real hindi pa nakakatikim ng masarap na luto nya... hahaha! Sya po ang spoiler ng mga apo... LoL... yon po ang past time nya. Takot sa ahas. Dati may ahas sa ilalim ng lababo namin nag freak out! hahaha! I'm not sure pero ang alam ko nasa ibabaw daw sya ng lamesa habang pinapatay ng mga kapitbahay ko yung ahas... (baka idemanda ko ng daddy ko ng libel...hahaha!)

Si Mommyla sa mga apo nya. Nauubos ang oras nya sa pag check ng mga test papers at lesson plan. Hate nya objective type na mga tests. Gusto nya nacha-challenge mga 'studyante nyang bulakbol. hahaha. Saka para cheat proof. Madalas sya mapagkamalan na kapatid lang namin kase bata pa daw tingnan. (Pinapadalahan ko sya minsan ng $$$ kase... kase... marami akong kupit sa kanya no'n... hahaha! pambawas kasalanan...lol)... Wish ko sa kanya? wag sya masyado mabait kase... yung mga "amiga" nya dati ginamit lang sya! BWISIT! mga manloloko... mga old girls (aka tres leches... kaya lang hindi sila yummy... yucky) ang KARMA NABALIK kaya mangilabot kayo sa ginawa nyo sa mommy ko. Ang tamaan ulit guilty, pikon, loser.

Si Kathy mommy ni Robb at Zia. Manager po ng Greenwich Sta. Rosa do'n sa Walmart. Parati may award sa Greenwich kase malakas ang sales... (o yan ha... pinaparami ko customer mo... hihihi). May private secretary po sya... Si Ems na ginawang yaya ni Zia... hahaha! kawawang Ems. Aso't pusa kami 24 hours a day, seven days a week, all year round. Ako ang tinik sa kanyang dibdib at isama na buong katawan...lol. Di na kami aso't pusa ngayon.Bumabawi na lang ako sa mga anakis nya... hahaha! na sobrang kukulit at dadaldal.

Si Wowie, Kristin, Tin-Tin, Tinay, Kristeta lahat na. Akala ko magmamadre ... wihihi... kilabot dati ng mga seminarista sa Letran ngayon big time na. Pari na... hahaha! joke joke joke. jetsetter yan. mga friends sa kanya kayo lalapit kung gusto nyo mag apply sa GMA Channel 7. HR Specialist xa don... (ayaw nya ng palakasan. tsugi sa kanya yon. at walang kama-kamag-anak kaya hindi po nya tinanggap application ko... na maging alalay ni Ivan Mayrina... lol). At maswerte yan sa raffles ng xmas party ng GMA parating nananalo. Loyal ako dati ng ABS kaya never ako nagpunta sa shows ng GMA dati lol.

Ako??? alam ko naman magreregister sa mga utakis ng aking familia at kamag anakis: santa santita yun pala maldita. Feeling api ako parati at may nalalamang paiyak-iyak hahaha! Sa lahat ng mga naglalayas ako ang wala pang bente kuatro oras nasa bahay na ulit... LoL. Kase naisip ko magastos maglayas at nakakahiyang mag primadonna sa ibang bahay... LoL. Ako ang sakit sa ulo ng pamilya Berango...komedyante rin ako. Kung sino-sino ginagaya ko. Kapitbahay, pinsan, artista (si Annabel Rama pag galit kay Ruffa... LoL na may tono pa kong bisaya). Hilig ko magpaiyak at galitin ang mga bata.

Si Memei. Memeng at Crom sa mga friends at chikababes. Awkward at clumsy ang middle name nya. Hindi ata lilipas ang Linggo ng walang nababasag. Vet Doctor yan ng Real. Xa po tinatawag ni Sam at ng mga friends ni Sam pag may sakit at kelangang turukan pets nila at pati dog shows din kasama xa. Negosyante. Kala ko mapapantayan si Lucio Tan at Ayala...LoL. Aba'y akalain nyo bang muntik na kaming magtayo ng sariling telecom company sa lakas ng e-load nya. Hindi ko lang alam kung may utang pa ko sa kanya dati kaka-text kay paps sa chikka no'ng nasa PI pa ko... lol.

Si Karen. Matinik sa galaan. kung san san nakakarating. puro bading mga barkada. bading na babae, bading na lalaki. ang type ng music nya eh type ng music ni paps randy. at ako daw out of this world ang type ng music. ni hindi nya kilala mga artists. LoL. Maganda raw ang taste ni Karen sa music according to papa rands. Ako nang aapi sa kanya no'ng maliliit pa kami. Aba engot nito hindi nalaban sa 'kin. Naiyak lang. According to my ferents, hindi sila nagkaro'n ng issue sa kanya kase mabait. yo'n nga lang parating makati ang paa. at masyado yang mataray. yan ang nakikipag-away pag may kagalit ako... hihi.

Si Carlo Jr. wag nyo na alamin ang middle name nya... LoL. Tatahi-tahimik pero matinik sa mga chicks. Parating niloloko si Memei na syota daw katulong namin pero if I know xa may tama sa katulong... hahaha! Si Carlo ang second runner up kay Bill Gates. Yun nga lang hindi xa yumaman. LoL. Napapagalitan yan ng mommy ko kase parating pinagwawatak watak ang CPU namin at hindi na binabalik. May naidulot naman. Sobrang galing na ngayon sa comp. Tanda ko 99% grade nya sa Com Sci no'ng HS. Kilalang-kilala yan sa 'min na taga gawa ng mga sirang CPU at taga bili na rin.

Si Ate Espie. mommy ni krys na asawa ni Rich na American citizen din. lol. Sobrang maasikaso. Innate na sa kanya 'yon. Sobra support na binigay

                            

Comments

hoy! santisima ka naman! dapat talga ilagay mo yung "kilabot" ha! matagal ko ng tinigilan ang mga yun ha! ako ang AYAW NILANG tantanan! hay santamaria! nakalimutan mo yata c marvin joseph!

ay oo nga... wag na baka ma high blood ka kay avin... wahahaha!!!! parati ka ngang nananalo sa raffle parati ka namang malas sa mga binibili mong electronics... parating nahahablot wahahaha!!!! buhay pa ba yung tread mill na napanalunan mo? dapat pinapaltan mo ng bigas... haha! yung condo unit mo ba eh hindi pa ba bumibigay? pag uwi namin ni Foster ayoko ng sirang pinto ng banyo mo ha! haHAHA!!!

Post a comment

Post a comment

Name:

You are currently signed in as .