« Trip Ko 'To... Its Grilling Time! | Main | Foster is Getting BIGGER »

Foster's Well-Baby Check Up

Kagagaling lang namin ni Foster sa pedia nya for his immunization. Had lots of question but forgot the most important question of all... LOL. The mystery question? "Can I bring my son in the Philippines around Spring?" For sure pede naman. Alam ko naman sagot dyan pero iba pa rin yung may say ng doctor ni Foster. And also advise ng sis ko na wag muna. Patapusin ko muna daw yung shots ni Foster. Anyway, back to his check up. His doctor gave a go signal to give Foster cereal, rice specifically kase yon daw ang most hypoallergenic food for baby. If ever daw na gagawa kami ng sariling pagkain sa bahay eh pede kami magluto ng lahat ng pede sa baby MALIBAN sa carrots kase nagpo-produce daw yon ng nitrate pag ginawa atang puree. So excited na ko pakainin si Foster! Pano ba naman naaawa ko sa kanya pag nakain ako. Nakatitig sa 'kin pag nasubo ako at gustong kunin yung plato ko.


His weight is 16 pounds and 10 ounces, height is 25 and 1/2 inches and head circumference is 42 cm. Worried ako kay Foster kase di pa sya nagro-roll di kagaya ni Eowyn. Di ko alam kung in denial ako na mataba si Foster or what kase nga hanggang ngayon di pa sya nagro-roll. Yung doctor ni Foster pilyo. Ngingiti-ngiti! LoL. Nahihiyang sabihin na mataba si Foster kaya di pa roll... LoL. Pero sabi naman nya eh wag mag-alala kase well proportion naman daw yung weight nya sa height. Sa Growth chart na pinakita sa 'min, 90 percentile pareho ang height and weight nya. Medyo nalilito pa ko kung ano ang ibig sabihin nyan kaya pina explain ko pa kay paps.


Right now, tulog si Foster. Dahil sa nangyari kay Eowyn, dito ko pinatulog sa car seat/stroller para mag check ng emails dito sa den. Nakakapraning nga yon pag malaglag sa kama ang baby mo.

                            

Comments

K, "bigatin" na baby 'yang si Foster mo ah! Si Eowyn 13.3 lbs lang kaya siguro mega-roll ang beauty nya. Kanina nga muntik na naman mahulog sa bed, buti na lang nandu'n ako kaya nahawakan ko sya at napigilan ko ang kanyang pagiging "falling star." Hahaha! Tatawa-tawa lang ako, pero super nerbyos na po ako.

'Yung sa growth chart naman, ibig sabihin nu'n, pag nasa 90th percentile si Foster, mas malaki tsaka mas matangkad sya sa 90% of babies. That's good. Si Eowyn ko maliit - nasa 60th percentile lang. Pero okay na rin sa akin 'yun basta healthy.

Oo nga pala, 'wag kang magworry kung di pa nagro-roll over si Foster. Pasalamat ka nga kasi di pa sya ganu'n kahirap alagaan! Nabasa ko sa book, normal naman sa babies na sa 4th month na nagsisimula mag-roll. 'Yung iba nga, 5 months na bago talaga nakakapag-roll! :-) So enjoy your time with Foster habang di pa s'ya ganu'n kalikot. Hirap na nga ako dito kay Eowyn. Di ko na talaga ma-iwan-iwan! Haaayyy...

ay yung sa height nilagasy ng doctor ni Foster sa hand-out eh 75-90 percentile pala.

Ang kulit naman ni Eowyn! Gusto atang sa sahig matulog hahaha! oo parang si kristeta mega fall sa stage...lol! remember that?

about naman dyan sa percentile eh tenks sa explanation ha! hahaha! gets na gets ko na lol. sabi naman ng doctor eh guide lang daw yon kaya wag daw magworry kung mababa yung percentile... :-) hanggat nasa linya yung weight, height at head circumference eh okay daw.

oist yang si Eowyn sabihin mo nga dyan sa bebe mo na wag makulet... hahaha! ang kulet kulet eh! lol

mareng K, about sa pag-uwi ng Pinas eh tama ate/sis mo kase yong friend ng mom ko na umuwi with her two sons eh nagka-pneumonia dahil sa climate sa Pinas. siguro naman sa sobrang spoiled ng baby mo sayo di mo kakayanin magkasakit sya. at syempre iniintind mo rin yong galit ni paps randy di ba. eto eh info lang, wag mong masamain at tawagin akong ms. knows-it-all. hahahaha!!!!

korek majoy. yung mga anak ng pinsan ko na nasa SF mga nagkasakit nga din no'ng bumalik dito gasling PI kaya wait ko na muna daw sabi ng sis ko sa Georgia. di pa din nya inuuwi pamangkin ko kahit four years old na. lam mo naman bawal magkasakit dito... at teka teka teka lang ha... bat mo alam na sobrang spoiled si Foster ko? nahihiya tuloy ako...halata... lol. at tama ka na naman magagalit si paps. medyo ayaw nya pero gusto rin nya ng konti lol. mare, lalo ka atang gumaganda ah. gaganda ng mga pics mo sa friendster. add mo nga ko sa friendster mo. lol.

kakaloka ano? pag lagyan mo ng pillows sa both sides ng baby para di sya mahulog from the bed, kakatakot naman kasi baka sumiksik si baby at masuffocate. pag hindi mo naman lagyan ng pangsangga, baka nga mahulog! hhuuuwwwwwaaa, mommy karol, mommy may, ano ba gagawin natin? hehehehe

di ko na iniiwan sa bed si Foster kase nga baka nga talaga mahulog sa kama. yun bang inaakala mong safe malingat ka lang ng within one minute eh may nangyayari kaya kahit san ako pumunta eh bitbit ko si Foster... lol.

Post a comment

Post a comment

Name:

You are currently signed in as .