Foster is Getting BIGGER
Kung di pa ask ng mga in-laws ko kung sinusuot na ba ni Foster lahat ng bigay sa kanya eh wala akong balak dalawin ang closet ni Foster. Now im racing against time kase lahat kasya na sa kanya pati yung pang nine months. Lahat ng outfits ni Foster regalo wala kaming binili. Sising-sisi ako na bumili pa ko ng onesies. Tipid-tipid kase kami ngayon. So lahat ng mga nakasabit maliban sa mga maliliit sa far left eh nilabahan ko last Saturday. Tapos may outfit si Foster na maliit na. buti na lang siningit no'ng friend ng lola ni Foster yung gift receipt sa bulsa so pinapaltan ko last Sunday. Eto yung pinalit ko:
(Anak, masarap ba daliri mo?). Pang twelve months yung long sleeves shirt nya at pang six to nine months naman yung jeans. Ang nakalimutan kong bilhin kay Foster ay shoes. Aattend pa naman sya ng birthday party ngayong Saturday. Anyway, meron pa naman akong time para mag shop for his shoes.

Laki na nga ni Foss(yan ang itatawag ko sa kanya)Te Karol:D Di mo namamalayan me binata kana.
Posted by: -J's wiFe- | October 25, 2006 06:48 PM
Mj yep minsan Fos ang tawag ko sa kanya. oo nga eh sobrang bilis ng panahon baka nga di ko na namalayan binata na si Foster kaya nga sina savor ko every moment with him. hangga't pede pang yapusin ng yapusin eh niyayapos ko na ng husto kase pag nanligaw na yan mahihiya na eh! lol. nabasa ko nga pala mga testi mo... korek sila mabait nga tong si Mj... :-)
Posted by: KaRoL | October 25, 2006 10:23 PM
dapat ang sinabi mo na lang: pinost mo yung pic ni foster without shoes cause everyone is free to "complete the picture." send your "answers" to this address...
Posted by: Zoe | October 28, 2006 06:33 PM
hahaha! korek! oo nga noh! di ko naisip yon ah! lol. 'nyway, naka2tawa kase andaming outfit ni Foster pero walang shoes! kaya balik kami sa babiesrus kase mas mura shoes don kesa sa target... wala syang shoes kase di ko naisip no'ng summer eh. summer baby si Foster... sana maisip ng grandma nya... lol!
Posted by: KaRoL | October 28, 2006 07:07 PM
Karol,
d lang ikaw nag iisa pati anak ko pang malalalki na rin ang damit. Never nyang nasuot yung onesies na binili ko. Ngayon yung body suit nya e pang six months na tpos ang onesies e pang 9 months naman kasi pag eksakto sa age nya yung damit ang sikip kawawa naman hirap na hirap akong isuot at hubarin ang damit.
Posted by: SaRah | October 30, 2006 09:03 PM
teka lang mommy sarah ha... sosolusyonan natin ang problema mo... hmmm??? ibili mo kaya ng pang 12 months di kaya? hahaha! grabe naman sa laki ang bebe mo! aba'y nalakihan pa si Foster bebe! sabihin mo nga dyan kay Caleb eh hinay-hinay at baka hindi na xa mabuhat ng mommy nya... lol!
Posted by: KaRoL | October 30, 2006 09:14 PM